Makati QR Code Registration

Makati QR Code Registration

Bagong safety QR codes ipapatupad ng Makati City

Nagpaalala ang Makati City government sa bagong panuntunan ng pagpaparehistro ng kanilang bagong UMake Makati Safe QR Code.

Hindi na kasi sila magpapapasok sa mga pasilidad ng Makati gaya ng Makati City Hall, Barangay Health Centers, Ospital ng Makati at mga vaccination sites kapag walang bagong QR Codes.

Sa kanilang social media page ay nagpost ang mga ito ng larawan sa paraan ng pagpaparehistro.

Kapag nakapagparehistro ay maaaring i-save ang nasabing QR code sa mga cellphone at ito ang ipapakita sa mga magsisita na nakatalaga sa iba’t-ibang pasilidad ng nasabing lungsod.